DPWH, magsasagawa ng bridge widening sa Leyte

Inihayag ng Pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsasagawa ito ng bridge widening sa apat na tulay sa lalawigan ng Leyte.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang nasabing proyekto ay nasa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA) na may kabuuang pondong P53.6 million.

Kabilang dito ang tulay ng Libas Bridge, Guinobatan Bridge, Calunangan Bridge at Apale Bridge.


Oras na matapos, magbibigay ito ng seguridad, mabilis at magaan na pagbiyahe ng mga motorista at nagde-deliver ng mga pangunahing produkto at pagkain sa lugar.

Layunin din nito na mapataas ang connectivity at mobility upang mapalakas ang ekonomiya at turismo sa mga munisipalidad ng Palompon, Isabel, Merida at iba pang kalapit na bayan ng Leyte.

Facebook Comments