DPWH, magtatayo ng karagdagang modular hospitals

Nakatakdang magtayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng karagdagang off-site hospitals sa iba’t ibang panig ng bansa sa harap ng dumaraming kaso ng COVID-19.

Ayon kay DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar, nagpapatuloy ang capacity expansion sa mga malalaking ospital.

Sinimulan na rin ang konstruksyon para sa karagdagang istruktura sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City.


Itinatayo na rin ang dagdag na limang cluster units para sa off-site hospitals na may 110 kama para sa moderate, severe at critical patients.

Magkakaroon din ng Mega Modular Off-Site Hospital sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Nakatakda ring magtayo ang DPWH ng tatlong cluster units ng off-site dormitories na may 96 beds bilang temporary shelter para sa medical professionals na magmamando ng NCMH Mega Modular Off-Site Hospital.

Facebook Comments