Pinasinayaan na ang 46.115 na milyong pisong halaga na itatayong bagong tanggapan ng Department of Public Works and Highways ng 2nd District Engineering Office ng Maguindanao.
Nanguna sa ground breaking activity sa Poblacion Buluan si Maguindanao Governor Esmael TOTO Mangudadatu kasama si 2nd DEO Engr. Zainal JAMES Mlok.
Sinasabing magiging malaking tulong ito lalo na sa mga kawani ng DPWH ARMM 2 nd District Office na mapabuti pa ang kanilang mga trabaho ayon pa kay Gov. Toto.
Matatandaang ilang dekada na ring nagtitiis ang mga ito sa kanilang tanggapan na nakabase sa Cotabato City. Sinasabing sakop ng 2nd DEO ang mga bayan sa ikalawang distrito ng Maguindanao.
Kaugnay nito nagpapasalamat si DE James Mlok sa lupang ipinagkaloob ng Provincial Government para mapagtayuan ng permanent location ng kanilang tanggapan.
Sinasabing naipanukala ang pagpapatayo ng tanggapan ng DPWH Maguindanao 2nd District noong 2015 pa at naisama sa Budget noong 2016 ngunit ngayon lamang nasimulang maipatayo matapos sumasailalim sa transparent na bidding.
Nilinaw naman ni DE James na gagamitin parin bilang sub office ang kanilang tanggapan sa Cotabato City sakaling tuluyang gagamitin na ang bagong gusali.