Thursday, February 19, 2026

DPWH, mas lalo pang palalakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga private sector

Palalawakin pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pakikipagtulungan nito sa pribadong sektor.

Ito’y upang mapabilis ang pagkumpleto ng mga prayoridad na proyektong pang-imprastraktura ng administrasyon.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pagtatapos ng mga pangunahing proyekto sa buong bansa.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, magtatatag ang ahensya ng tinatawag na green lane para mahikayat ang mga lehitimo at malalaking construction firm na lumahok sa bidding ng mga proyekto.

Isa sa layunin nito ns mapabilis ang implementasyon ng mga imprastraktura at mapalakas ang kumpiyansa ng publiko sa pamahalaan.

Dagdag pa ni Dizon, ang hakbang ay parte ng isinusulong ng DPWH na transparency at mga reporma.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng Integrity Chain monitoring system katuwang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry bilang isa sa mga accredited validator.

Facebook Comments