DPWH: Mga saradong kalsada dahil sa Bagyong Egay at habagat, bumaba na sa anim

Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang road clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng nagdaang Bagyong Egay gayundin ng habagat.

Sa pinakahuling datos ng DPWH, bumaba na lamang sa anim ang mga saradong kalsada dahil sa mga gumuhong lupa, nabuwal na mga puno, nasirang tulay, at iba pa.

Sa naturang bilang, lima sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang isa naman sa Central Luzon.


Nananatili naman sa sampu pang mga kalsada sa CAR, Ilocos Region, at Central Luzon ang limitado lamang ang access para sa mga maliliit na sasakyan.

Samantala, pumalo na sa mahigit 7.3 milyong piso ang naitalang pinsala sa imprastraktura dahil sa nakalipas na kalamidad.

Facebook Comments