Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Task Force for Augmentation of Health Facilities ang konstruksyon ng mga dormitoryo para sa mga hospital workers na tumutulong sa paggamot mga COVID-19 patients.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang nasabing anim na dormitoryo na matatagpuan sa loob ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City ay mayroong 16 na kwarto na kayang makapag-accomodate ng dalawang katao.
Sinabi pa ni Villar na ang 192 bed capacity ay posibleng matapos na ngayong katapusan ng Hunyo.
Ang quarters na ito ay para sa mga hospital workers sa Quezon City partikular sa National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, Veterans Memorial Hospital, Children’s Hospital at V. Luna General Hospital.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DPWH sa pamahalaang lungsod ng Quezon upang magamit na agad ang dormitoryo para sa mga frontliners lalo’t malapit lamang ang mga ito sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.