Minamadali na ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pagtatayo ng karagdagang isolation at hospital facilities sa Zamboanga City.
Ayon kay DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar, ang on-going conversion ng old Zamboanga Convention Center sa Pasonanca, Zamboanga City ay magbibigay ng dagdag na isolation o quarantine facility para sa mga asymptomatic at moderate COVID-19 patients.
Mayroon itong 182 beds kung saan karagdagan ito sa kasalukuyang 20 bed capacity quarantine facility sa nasabing lalawigan.
Habang ang proposed construction ng modular hospital ay mayroong 22 beds para sa moderate, severe at critical covid patients na itinayo sa loob ng Mindanao Central Sanitarium compound sa Pasobolong, Zamboanga City na target namang simulan sa susunod na buwan.
Pahayag pa ni Villar, kahit mayroon nang bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, patuloy pa ring tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Zamboanga Peninsula at Zamboanga City.