
Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap at nagpapakilalang si Secretary Vince Dizon.
Sa abiso ng DPWH, may mga indibidwal umanong gumagamit ng pangalan ng kalihim para humingi ng pera o pabor kapalit ng mga transaksyon sa ahensiya.
Paalala ng kagawaran, huwag maniwala sa mga tawag, mensahe, o sulat na may ganitong laman.
Hinikayat din ang makakatanggap nito na agad i-report sa kanilang tanggapan sa hotline o email.
Sabi ng DPWH, mahalaga ang kooperasyon ng publiko para mapanatili ang integridad at malinis na pamamahala sa kagawaran.
Facebook Comments









