DPWH, nagbabala sa publiko hinggil sa mga manloloko na ginagamit ang pangalan ng ilang opisyal ng ahensiya

Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa mga manloloko na ginangamit ang pangalan ng ilang opisyal ng ahensiya.

Nakarating sa tanggapan ng DPWH Human Resource and Administrative Service ang report ng isang contractor sa Nueva Ecija na nakatanggap siya ng tawag mula sa sa isang indibdiwal na nagpakilalang si Director Vanessa G. Villanueva ng DPWH Central Office.

Dagdag pa ng contractor, sinabi sa kaniya ng caller na makikipagpulong si Secretary Vince Dizon sa kanila.

Bukod dito, tinangkang mag-solicit ang manloloko para daw sa participation sa sinasabing meeting.

Giit ng ahensiya, hindi kailanman nagtatawag si Villanueva at hindi rin nag-authorize ng anumang solicitation.

Hindi rin nagpapatawag ng anumang meeting si Dizon sa mga contractors kung kaya’t pinapapayuhan ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa ganitong uri ng panloloko.

Facebook Comments