DPWH, naglunsad ng programa para sa mga kabataan at mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Inilunsad ngayong araw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang programa na tutulong para sa mga kabataan at mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, inilunsad nila ang AYUDA o Assistance to Youth and Unemployed for Development and Advancement kung saan lahat ng kanilang departamento at mga district engineering offices ang siyang nanguna rito.

Sinabi pa ni Mercado na sa pamamagita ng AYUDA program, mapapalawak pa ang Build, build, build program ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho sa mga kabataan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.


Target ng DPWH na mabigyan ng trabaho ang isang miyembro ng bawat pamilya na malaking tulong na rin upang may panggastos sila sa pang-araw-araw.

Ang mga matatanggap na aplikante ay magiging parte ng maintenance work force ng DPWH na siyang magiging responsable sa paglilinis sa mga kalsada at mga street sign kabilang na rin ang pag-asikaso sa mga basura at pagpipintura.

Ang bawat benepisyaryo ay bibigyan ng Certification of Employment (COE) para kanilang magamit sa mga darating na araw kung sila ay maghahanap ng trabaho.

Facebook Comments