Bilang bahagi ng precautionary measures para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19), nagsagawa ng nationwide disinfection program ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
At para mapabilis ang operasyon, naglagay ng mga sanitation/disinfection stations sa kada opisina ng DPWH maging sa gilid ng mga national road.
Aabot sa 289 sanitation ang naitayo sa tulong-tulong na din ng 16 Regional at 184 District Engineering Offices sa buong bansa kung saan dito isasagawa ng tauhan ng DPWH ang disinfection procedures sa mga dumadaan na ilang indibidwal maging sa mga sasakyan dahil posibleng mayroon itong dalang virus o anumang infectious diseases.
Para maprotektahan naman ang mga personnel ng DPWH na magsasagawa ng disenfection sa mga tents, binigyan sila ng mga personal protective equipment tulad ng surgical masks, gloves, rubber boots at safety goggles.
Nakikipag-ugnayan din ang DPWH sa ilang National Government Agencies at Local Government Units (LGUs) kung nais nila ang serbisyo ng DPWH habang ang nationwide disinfection program ay magpapatuloy habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).