Paalala sa mga motorista, Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong weekend sa ilang lugar sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito ng isinasagawang road reblocking at road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA, batay sa abiso ng DPWH, epektibo ang road repair and reblocking nitong Biyernes ng alas-11:00 ng gabi, July 1 hanggang alas-5:00 ng umaga sa Lunes, July 4.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang bahagi ng Southbound innermost lane ng EDSA Guadalupe Makati City mula Bernardino St. patungong Estrella.
EDSA Northbound sa Quezon City sa bahagi ng MRT Santolan Station paglagpas ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel at paglagpas ng Aurora Blvd. hanggang New York gayundin sa paglagpas ng Kamuning / Kamias Road papuntang JAC Liner Bus Station C-5 Road Southbound 2nd lane sa Makati City.
Batasan Road IBP San Mateo Road intersection hanggang South gate ng House of Representatives; Visayas Avenue Southbound Road 10 patungong Elliptical Road; Visayas Avenue Northbound sa harap ng Shakey’s hanggang Tandang Sora Ave.
C-5 Road Pasig City mula Pasig Blvd. Southbound – Pineda at sa bahagi ng Doña Julia Vargas at EDSA-Quezon City Southbound mula sa Balingasa Creek patungong Oliveros Footbridge.
Abiso ng MMDA ang mga motoristang magbabalak bumiyahe ngayong weekend, mag-isip na ng alternatibong ruta at iwasan ang mga nabanggit na kalsada.