DPWH, nagsasagawa ng imbentaryo sa mga ospital sa bansa kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Nag-iikot si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa mga ospital sa bansa upang magsagawa ng imbentaryo.

Ito ay sa harap na rin ng pagsisikap ng gobyerno na matiyak na sapat o hindi kukulangin ang healthcare facilities sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., functional din ang One Hospital Command sa pangunguna ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega.


Ani Galvez, noong bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa tumanggap ang mga ospital ng non-COVID patients kung kaya’t tila napuno ang mga ito pero sa ngayong may pagsirit ng kaso ang One Hospital Command ang siyang magre-refer kung saan-saang mga ospital dadalhin ang isang COVID-19 patient.

Idinagdag pa ni Galvez na may mga ospital din gaya ng Quezon Institute ang kanilang ine-expand upang mas maraming ma-accomodate na mga pasyente na tinamaan ng virus.

Bukod pa ito sa mga ongoing construction na aniya’y minamadali na upang hindi kapusin ang healthcare utilization rate ng pamahalaan.

Facebook Comments