DPWH, nahihirapan nang linisin ang Manila Bay

Plano ng Department of Public Works and Highways na magdala ng mas malalaking makina na tutulong para tanggaling ang mga mahihirap tanggaling dumi sa Manila Bay.

Ayon kay Noel Ilao, DPWH Bureau of Equipment Director nahihirapan sila ngayon sa paglilinis ng Manila Bay dahil sa mga namuong dumi dito dahil na rin sa taon na binilang na nagresulta na sa ibat ibang layers.

Dahil dito aniya ay planong mag assemble ng DPWH ng mas malalaking amphibious excavator para palambutin ang mga naturang dumi.


Paliwanag ni Ilao ang bagong amphibious excavator ay mayroong mas maiksing mga galamay pero mas malaki ang kaya nitong hakutin.

Dagdag pa ni  ilao ang mas maigsing galamay na excavator ay mas makatutulong dahil mas magkakaroon ito ng pwersa para sa paghuhukay.

Aniya sa  kasalukuyan gumagamit ang DPWH ng 28 piraso ng equipment, kabilang ang tatlong bagong amphibious excavators, dalawang dumping scows at isang debris segregator para sa Manila Bay Cleanup Drive.

Facebook Comments