DPWH, nakahanda na sa paparating na bagyo sa bansa

Nakahanda na ang buong tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa posibleng magiging epekto ng papalapit na bagyo sa bansa.

Kaugnay nito, inatasan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang Disaster Risk Reduction Management Teams ng Regional at District Engineering Offices nila na mag-monitor at manatiling nakatutok sa anunsiyng ng PAGASA.

Ayon pa kay Bonoan, naka-posisyon na rin ang kanilang quick response assets na kinabibilangan ng mga maintenance crew at equipment sa mga national roads para rumesponsde sakaling magkaroon ng pagsasara at sagabal sa mga kalsada.


Nauna ng inatasan ng kalihim ang mga tauhan na magputol ng mga sanga ng puno kung kinakailangan, de-clogging ng drainage at waterways para maiwasan ang aksidente sa daan at pagbaha.

Bukod sa pagsisiguro magiging malinis at walang sagabal sa mga national road, inutusan ni Bonoan ang mga tauhan na tukuyin ang mga alternatibong ruta upang hindi masagabal ang pagpapadala ng mga goods and services.

Inatasan niya rin ang lahat ng Regional at District Engineering Offices na magtayo ng temporary structures para mapabilis ito kung kinakailangan.

Facebook Comments