DPWH, nakikipagtulungan na sa PhilSA para ma-monitor ang mga proyekto ng pamahalaan at bilang kontra korapsyon

Nakipagtutulungan na ang DPWH (Department of Public Works and Highways) sa Philippine Space Agency (PhilSA) para i-monitor ang mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay DPWH Sec. Dizon, kailangan nang gumamit ng pamahalaan ng teknolohiya para hindi na maulit ang ginagawang panloloko ng iilan sa taumbayan.

Matatandaang hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan kabilang na itong mga flood control projects.

Kanina nang isinagawa ang ceremonial signing sa pagitan ng DPWH at PhilSA para sa isang Memorandum of Agreement (MOA).

Ang kasunduan ay tututok sa monitoring sa mga infra projects ng public works department.

Facebook Comments