Makati, Philippines – Tumaas ang tyansa na makapag-survive sa lindol ang Magallanes Interchange sa lungsod ng Makati.
Ito, ayon kay Department of Public Works and Highways NCR Dir. Melvin Navarro, ay matapos makumpleto ng ahensya ang limang stages ng restoration para dito.
Ayon kay Navarro, ang Magallanes Interchange ay isa sa mga prayoridad na isaayos ng ahensya lalo’t 1980 pa nang huli itong sumailalim sa pagsasaayos.
Aniya, marami ng crack at kinakalawang na rin ang mga guard rails ng naturang flyover.
Sa pagkakakumpleto ng proyektong ito, ayon kay Navarro, mas tumaas ang tyansa na makatagal ang Magallanes Interchange sa mga hindi inaasahang pangyayari partikular ang lindol.
Matatandaang una na ring sumailalim sa pagre-restore ang Ayala at Quezon Bridge sa lungsod ng Maynila.