DPWH, nilinaw na walang pagdagsa ng Chinese workers sa mga infrastructure projects sa Pilipinas

Iginiit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang pagdagsa ng Chinese workers sa mga construction projects sa bansa.

Ito ang tiniyak ng ahensya matapos kwestyunin sa Senado ang maraming bilang ng Chinese workers sa dalawang proyekto sa Metro Manila.

Ang konstruksyon ng Binondo-Intramuros Bridge sa Maynila ay mayroong 45% Chinese workers at 55% Filipino, habang ang Estrella-Pantaleon Bridge project sa Makati City ay binubuo ng 31% Chinese at 69% Filipino.


Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang presensya ng mga manggagawang Tsino sa mga proyektong imprastraktura sa bansa ay kakaunti lamang.

Paliwanag ng kalihim, kaya mayroong mga Chinese worker ay dahil mayroon silang teknolohiya na wala pa ang Pilipinas.

Mahalaga aniyang maging bukas sa mga bagong teknolohiya.

Dagdag pa ni Villar, may ilang proyekto rin ang nangangailangan ng specialization at expertise mula sa mga foreign worker.

Sinabi pa ni Villar na ang porsyento ng bilang ng mga manggagawa ay nakadepende sa hanggang saan na ang estado ng proyekto.

Facebook Comments