
Padadalhan ng Department of Public Ways and Highways (DPWH) ng liham ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) para hilingin ang pag-freeze sa higit limang bilyong pisong halaga ng sasakyan ng mga personalidad na isinasangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Pinakamalaki rito ang mahigit ₱4.7 bilyong air assets ni Congressman Zaldy Co na kinabibilangan ng isang private jet at ilang helicopters.
Halos kalahating bilyong piso naman na mga sasakyan ang ipinapa-freeze rin sa AMLC na pag-aari ng 26 na dating opisyal ng DPWH at mga kontraktor.
Pinakamalaki rito ay kay Sarah Discaya na nagkakahalaga ng ₱218 million at sa asawa nitong si Pacifico Discaya na may ₱59 million na sasakyan gayundin Brice Hernandez na mahigit ₱35 million.
Natukoy ang mga nasabing ari-arian base sa report ng Land Transportation Office (LTO) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isinumite kay Secretary Dizon.









