
Pinaaalis ni Senator Loren Legarda sa poder ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapagawa ng mga silid-aralan.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, binigyang-diin ni Legarda na masyadong mabagal ang pagpapatayo ng mga classroom kaya hindi nasosolusyunan ang matagal nang problema sa backlog sa bansa.
Iginiit ng senadora na isusulong niya na alisin ang probisyon ng General Appropriations Act na kung saan DPWH ang solong pinapayagan na magtayo ng mga silid-aralan.
Naniniwala si Legarda na kung bubuksan sa lokal na pamahalaan at sa mga pribadong sektor ang pagpapatayo ng mga classrooms ay mas mapapabilis ang konstruksyon.
Pinuna rin ng mambabatas na mas mura ang mga silid-aralan na gawa ng mga LGUs at private sektor kumpara sa gawa ng DPWH.









