Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng 6 pang dam sa Cagayan River upang makontrol ang pagbaha tuwing may bagyo.
Ayon kay DPWH Engineer Jerry Fanon, aabot sa 520 kilometers ang sakop ng Cagayan River kaya limang lalawigan ang napipinsala nito tuwing may kalamidad.
Magsisilbi rin aniya itong long-term flood control plan ng DPWH dahil maliban sa Magat Dam na tanging controlling dam ng ahensiya, magiging tulong na rin ito sa iba pang lugar malapit sa Cagayan.
Matatandaang una nang pinagtalunan sa Kamara ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam dahil ito umano ang pangunahing dahilan kung bakit nalubog sa tubig ang Cagayan Valley Region nang tumama ang Bagyong Ulysses na itinanggi naman ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Ricardo Visaya.