DPWH, planong simulan ang Marawi transitory houses sa Nobyembre

Manila, Philippines – Target ng Department of Public Works and Highway na matapos na sa susunod na buwan ang site development ng pagtatayuan ng unang batch ng transitory houses para sa mga bakwit ng Marawi City.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 242 million pesos ang pondo para sa Land Development sa Barangay Sagongsongan, Marawi City.

Paliwanag ng kalihim matapos nito ay agad aniyang isusunod ng DPWH ang pagtatayo ng nasa 275 Transitory Houses para sa higit isanlibong pamilya.


Giit ni Villar, ay naipadala na sa Marawi ang Post-Conflict Needs Assessment Team na siyang sa mag-aaral sa pinsala sa imprastraktura at lansangan sa Lungsod.

Facebook Comments