DPWH, planong tapusin ang 66 COVID-19 hospital rooms sa Lung Center of the Philippines ngayong buwan

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary at Isolation Czar Mark Villar na titiyakin nilang matatapos ngayong buwan ang karagdagan kwarto sa Lung Center of the Philippines (LCP) para sa management at treatment ng COVID-19 patients.

Ayon kay Secretary Villar, minamadali na ng DPWH Task Force ang konstruksyon ng limang cluster units ng modular hospital facilities na itinayo sa naturang hospital.

Ang modular hospital facility ay para sa moderate hanggang severe at critical cases naipapasok sa hospital.


Paliwanag din ni Villar, ang tatlong cluster units ay mayroong 66 rooms na target nilang tapusin ngayong buwan habang ang natitirang dalawang cluster units ay tatapusin naman sa July.

Pahayag pa ng kalihim na nagsagawa na ng inspeksyon noong June, araw ng Sababo upang matiyak na naaayon sa DPWH design standard para sa health facilities ang nasabing proyekto.

Facebook Comments