
Muling iginiit ni Navotas Representative Toby Tiangco sa House of Representatives na ilathala sa official website nito ang budget para sa mga proyekto ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bawat congressional district at kung sino ang mambabatas na proponent nito.
Dismayado si Tiangco na hindi makatugon ang Kamara sa isang simpleng hakbang ng transparency sa gitna ng mainit ng isyu ng korapsyon sa pera ng taumbayan.
Hirit ito ni Tiangco makaraang maglaan ang Bicameral Conference Committee (Bicam) ng P529.6 billion na alokasyon para DPWH sa ilalim ng 2026 National Budget.
Katwiran ni Tiangco, ito ang pinakamadaling paraan para patunayang walang bahid ng korapsyon ang 2026 budget at mainam na paraan din para kung may makitang mali ay maitama agad habang may panahon pa.
Dagdag pa ni Tiangco, ang pagsasapubliko ng detalye ng mga dpwh projects ay makakatulong din sa pagbusisi ng ehekutibo sa mga panukalang proyekto.









