
Cauayan City – Agarang nag-deploy ng tauhan at kagamitan ang Department of Public Works and Highways-Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO) upang magsagawa ng clearing operations sa mga lansangang apektado ng landslide sa Quirino.
Kabilang dito ang Cordon-Aurora Bdry. Road, mula sa Sangbay at Disimungal, Nagtipunan.
Bukod dito, may clearing operations din na isinasagawa sa NRJ-Villa Sur-San Pedro-Cabua-An-Ysmael-Disimungal Road, mula sa Cabua-an at Ysmael, Maddela.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mabilisang pagtugon ng DPWH upang maibalik ang ligtas na pagdaan ng mga motorista sa lugar.
Ang mga clearing operation ay patuloy na isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang karagdagang aksidente sa mga apektadong lugar.
Ang DPWH ay patuloy na nananawagan ng kooperasyon mula sa publiko habang nagpapatuloy ang kanilang mga operasyon.
Inaasahan na sa lalong madaling panahon ay maibabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa mga nasabing kalsada.









