Mindanao – Minamadali na ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) region 11 ang diversion road matapos itong isinira dahil sa pagkakaroon ng pagguho ng lupa at mga bato.
Ayon sa DPWH – region 11, hindi pa nila maaaring padaanan ang diversion road at kanila lamang itong bubuksan kapag tapos na upang maging ligtas na sa mga motorista.
Hindi din titigil ang nasabing ahensiya sa kanilang trabaho upang mapadali ito lalo na’t bukas na ang paggunita ng Undas.
Sa ngayon, humihingi ng pang-unawa ang DPWH-region 11 sa mga motoristang maabala at sana ay intindihin daw nila na ito ay para sa kaligtasan ng karamihan.
Facebook Comments