DPWH REGION 2 LAKBAY-ALALAY, MULING NAGPAPATULOY

Cauayan City – Muling nagpapatuloy ang programang Lakbay-Alalay ng Department of Public Works and Highways Region 2.

Nagsimula muli ang pag-aasiste ng mga District Engineering offices mula sa iba’t-ibang lugar buong lambak ng Cagayan kahapon ika-31 ng Disyembre at magtatagal ito hanggang sa Ikalawang araw ng Enero 2025.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga biyahero sa kanilang pagbiyahe sa pamamagitan ng pagbibigay gabay sa direksyon, maging kung sakaling sila man ay masiraan sa kalsada.


Hangad ng DPWH Region 2 sa simpleng paraan ng pagtulong na ito ay maging ligtas ang bawat isang biyahero patungo sa kani-kanilang mga pupuntahan.

Facebook Comments