DPWH RO2, GINAWARAN NG PRIME-HRM BRONZE MEDAL

CAUAYAN CITY – Iginawad ng Civil Service Commission (CSC) Regional Office 2 ang Bronze Medal sa DPWH Region 2 para sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) kahapon, ika-5 ng Agosto.

 

Ang PRIME-HRM ay isang paraan upang mapalakas ng mga ahensya ng pamahalaan ang maayos na pangangasiwa sa kanilang mga empleyado tungo sa pagkamit ng mithiin at layunin ng kanilang organisasyon.

 

Nakamit ng naturang ahensya ang PRIME-HRM Level-2 Maturity Indicators ang apat na mahalagang bahagi ng HRM katulad ng Recruitment, Selection, and Placement (RSP), Learning and Development (L&D), Performance Management (PM), at Rewards and Recognition (R&R).


 

Sa naging mensahe ni Director Maria Bustamante, acting Director ng CSC Regional Office 2, kabilang na ang DPWH RO2 sa 44 government institution na may PRIME-HRM Bronze Award.

Facebook Comments