DPWH Sec. Dizon, dismayado sa flood control project sa Bauang, La Union

Dismayado si DPWH Secretary Vince Dizon sa kaniyang ginawang pag-iikot sa mga flood control project sa Barangay Acao, sa bayan ng Bauang, La Union.

Ito’y matapos na makita na “super substandard” ang mga materyales na ginamit sa mga nasabing proyekto.

Sa ginawang inspeksyon, nakita rin ni Sec. Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang nasabing proyekto na ini-report nang “completed” noong Marso.

Giit pa ng kalihim na tila “props” lamang ang proyekto kung saan ikinabit lang ang mga materyales.

Kaugnay nito, sinisiguro ni Sec. Dizon na pananagutin ang mga nasa likod ng palpak na proyekto.

Kasamang nag-inspeksyon ng kalihim si Baguio City Mayor and Independent Commission for Infrastructure (ICI) Special Adviser Benjamin Magalong bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na i-check ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.

Ito’y para sana sa maayos na flood mitigation measures ng nasabing lugar.

Facebook Comments