DPWH Sec. Dizon, hinakayat ang mga empleyado na tumulong sa pagsasaayos ng ahensiya

Sa kaniyang unang flag ceremony, hinikayat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang mga mangggagawa na tulungan siyang ayusin ang ahensya.

Aniya, bukod sa pagsasaayos, maigi rin na tumulong upang tuluyang mawala ang mga sumisira sa pangalan ng DPWH.

Aniya, maiging mawala ang mga taong ito upang tuluyan nang makausad ang pagbabago sa DPWH.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin din ni Sec. Dizon na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng ahensya, siya ay naniniwalang mas marami pa rin ang tapat at mabubuting tauhan sa DPWH.

Nanawagan din ang Kalihim sa mga kawani ng DPWH na tulungan siyang ipatupad ang utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang mga sangkot sa anomalya at ibalik ang tiwala ng taumbayan sa ahensya.

Facebook Comments