Tuesday, January 20, 2026

DPWH Sec. Dizon, naniniwalang matibay ang ebidensiya laban kay dating Rep. Zaldy Co sa pagtestigo nito sa Sandiganbayan

Nagtungo sa Sandiganbayan si Public Works and Higways Sec. Vince Dizon para tumestigo sa bail hearing ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-MIMAROPA at kay dating Ako-Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Matatandaan na sangkot ang mga naturang opisyal sa maanomalyang flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Nabatid na ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng Sunwest kung saan base sa imbestigasyon at mga dokumento, ang construction firm ay iniuugnay sa dating kongresista.

Sa naging panayam kay Sec. Dizon, mismong ang Ombudsman ang nagsabi sa kaniya na tumestigo laban kay Co.

Aniya, aabangan lamang nila kung ano ang gagawing hakbang ng mga abogado ni Co hinggil sa pagdinig sa Sandiganbayan.

Muli naman iginiit ng kalihim na naniniwala siya na matibay ang hawak nilang mga ebidensiya para mapanagot ang dating kongresista sa kaso lalo na’t nasa higit P190 milyun na pondo sng inilaan sa proyekto na wala naman nagawa o natapos.

Facebook Comments