DPWH Sec. Manuel Bonoan, pinayuhang mag-leave of absence muna habang iniimbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects

Hinimok ni Senator JV Ejercito si Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan na mag-leave of absence muna habang iniimbestigahan pa ang mga maanomalyang flood control project.

Giit ni Ejercito, ang kawalang-malay ni Bonoan sa mga maling gawain ng mga tauhan niya ay hindi maituturing na excuse ng Kalihim dahil “command responsibility” niya anuman ang nangyayari sa loob ng kagawaran.

Makabubuti aniya kung mag-leave muna ang Kalihim upang hindi ito makaimpluwensya sa ginagawang imbestigasyon patungkol sa mga ghost project.

Sakali namang mapatunayang may pagkukulang at kasalanan si Bonoan sa mga katiwalian ukol sa mga flood control project ay dapat na magbitiw ito sa kaniyang pwesto.

Gayunman, mayroon pa ring posibilidad na sa mga district office lamang nangyayari ang hocus pocus sa proyekto at walang kinalaman dito si Bonoan.

Facebook Comments