DPWH Sec. Mark Villar, paiigtingin ang anti-corruption efforts sa ahensya

Paiigtingin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang anti-corruption efforts nito matapos banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ahensya dahil sa laganap na iregularidad sa ahensya.

Bago ito, bumuo na ang DPWH ng task force na nakatuon sa mga reklamo at alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, mas magiging agresibo sila para matanggal ang mga taong dawit sa ilegal na aktibidad sa ahensya.


Aniya, ang binuong task force ay makipagtutulungan sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para ipatupad ang anti-corruption measures.

Dagdag pa ni Villar, nais niyang iprayoridad ang lahat ng reklamo at magpo-focus sa paglilinis ng ahensya mula sa korapsyon sa mga susunod na buwan.

Nanawagan din ang kalihim sa mga tauhan ng ahensyang sangkot sa korapsyon na ihinto na ito.

Nabatid na nasa ₱667.32 billion ang hinihinging budget ng DPWH sa ilalim ng 2021 National Budget.

Facebook Comments