DPWH Sec. Mark Villar, pinangunahan ang inspection ng konstruksyon ng Skyway Stage 3 project

Ininspeksyon ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang konstruksyon ng  Metro Manila Skyway Stage 3 Plaza Dilao ramp.

Ayon kay Secretary Villar, 24/7 ang pagtatrabaho sa proyekto para ganap na makupleto sa Hulyo ng susunod na taon.

Ang Metro Manila Skyway Stage 3 ay 18.68-kilometer elevated expressway ay may walong access ramps.


Ito ay magdudugtong mula Buendia, Makati City hanggang Balintawak, Quezon City.

83 percent nang tapos ang Section 1 na mula Buendia Avenue sa Makati City hanggang Quirino Avenue sa Nagtahan, Manila

Habang 81 percent naman ang Section 3 mula Ramon Magsaysay Avenue hanggang Balintawak.

Facebook Comments