Ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang hindi natapos na konstruksyon ng Villasis–Sto. Tomas Bridge sa Pangasinan nitong Biyernes, Pebrero 27.
Layunin ng opisyal na matapos ang agarang pagkumpleto ng tulay kasabay ng pagtitiyak ng progreso ng mga proyekto maging ang mabilis na pagtatapos ng mga isinasagawang bypass road sa iba’t-ibang panig ng lalawigan.
Matatandaan noong bumisita ang kalihim sa La Union nitong Pebrero, iginiit niyang pagtutuunan ang pagtatapos ng mga proyektong imprastraktura sa Ilocos Region.
Binigyang-diin niya sa kanyang pagbisita sa Pangasinan, wala munang aaprobahang bagong proyekto hangga’t mayroon pang nakalinyang proyekto hanggang 2028.
Kung sakali umano na mayroon mga bagong proyekto, dapat umano na may sertipikasyon ito mula sa Regional Development Council bago aprobahan ng tanggapan.
Iginiit ng mga opisyal na magpapatuloy ang pagtutok ng pamahalaan sa pagpapatupad at pagkumpleto ng mga proyekto sa lalawigan upang mapakinabangan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










