
Opisyal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Secretary Vince dizon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito’y ay matapos tanggapin ng pangulo ang pagbibitiw sa pwesto ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa ahensya sa gitna ng imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.
Inaasahan namang haharap sa isang press briefing si Dizon ngayong tanghali para ilatag ang kaniyang reform agenda.
Samantala, nanumpa na rin kay Marcos si dating Undersecretary Giovanni Z. Lopez bilang Acting Secretary ng Department of Transportation (DOTr).
Bilang pansamantalang pinuno ng DOTr, tututukan ni Lopez ang pagpapalakas ng mga reporma sa transport modernization na sinimulan ni Dizon, lalo na ang mga proyektong layong maghatid ng ligtas, episyente, at modernong transportasyon sa mga commuter.









