
Nagbitiw na bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Sec. Manuel Bonoan sa gitna ng imbestigasyon ng pamahalaan sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Bonoan at epektibo na ngayong araw, September 1.
Sa kaniyang resignation letter, ipinaabot ng dating kalihim ang kaniyang suporta sa panawagan ni Pangulong Marcos para sa transparency, at reporma sa loob ng ahensya.
Kasabay nito, itinalaga ng Pangulo si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH na siyang mangunguna sa malawakang reporma at anti-corruption drive sa ahensya.
Habang itinalaga naman si Atty. Giovanni Z. Lopez bilang Acting Secretary ng Department of Transportation (DOTr).
Bago ang pagkakatalaga ni Lopez, siya ay DOTr Undersecretary para sa Administration, Finance, and Procurement at may malawak na karanasan sa mga railway, aviation, at maritime projects.









