DPWH Secretary Mark Villar, hinimok ang PNP at publiko na gawing inspirasyon ng katapangan ng SAF 44

Muling inalala ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang kagitingan at katapangan ng SAF 44 o mga pulis na nasawi sa tinawag na “Oplan Exodus” sa Mamasampano, Maguindanao noong 2015.

Anim na taon na ang nakaraan pero sariwa pa rin sa mga pamilya ng SAF 44 at sa hanay ng PNP-SAF ang nangyari sa kanilang miyembro na nasawi ng nasabing operasyon.

Dinaluhan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar bilang keynote speaker ng nasabing aktibidad.


Sa kanyang talumpati, sinabi nito na huwag mapunta sa nawala ang pagbubuwis ng buhay ng SAF 44, dahil aniya sila ang tunay na bayani at ehemplo ng commitment to service, honor at justice.

Aniya, gawin sana itong insperayson ng PNP at ng publiko upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Matatandaan, noong January 15, 2015, ikinasa ang operasyon sa paghuli ng kilalang teroritsang si Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan”, kung saan may patong sa ulo ng $5 milyong napinangunahan ng PNP-SAF commandos kung saan naka-engkwentro nito ang mga rebelding grupo dahilan ng pagkasawi ng 44 na miyembro ng SAF na tinawag nilang “SAF 44”.

Facebook Comments