Tiniyak ni DPWH secretary Mark Villar na nakapagsagawa sila ng retrofitting efforts o pagpapatatag ng mga pundasyon at istraktura sa mga lumang infrastructure projects ng gobyerno bago pa man naranasan ang 6.1 na lindol na sa Metro Manila at sa ibat ibang lugar .
Sa Pandesal Forum sa QC, sinabi ni Secretary Villar na ang mga government infrastructures na ito ay naitayo bago naipasa ang bagong building code.
Aniya, matagal na silabg naglalaan ng 1/4th ng budget ng ahensya para sa retrofitting efforts ng gov’t infrastructure.
Sinabi pa ni Villar na sa mga lumalargang proyekto sa ilalim ng Build Build build program, itinayo ang ito nang may katatagan hindi lamang sa malalakas na lindol kundi sa hangin na may lakas na 300 kph
Ayon pa sa kalihim , marami sa mga kalsada na bahagyang nagtamo ng pinsala dahil sa lindol ay nadaraanan na ng lahat ng uri ng mga sasakyan.