DPWH, siniguro na magiging full operation ang Paco Pumping Station bago ang tag-ulan

Kumpiyansa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magiging buo na muli ang Paco Pumping Station bago pa man ang panahon ng tag-ulan sa susunod na taon.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, nasa 3 buwan lang ang kailangan para maayos at mapatatag ang nasirang floodgate ng pumping station.

Habang kinukumpuni pa ang floodgate, naglagay muna ng pangharang ang DPWH upang maiwasan ang pagbaha sa bahagi ng Paco tuwing high tide.

Dagdag pa ng kalihim, walang gastos sa pagkumpuni ng nasirang gate ang gobyerno.

Nabatid na una nang nasira ang floodgate ng Paco Pumping Station sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Uwan sa Metro Manila.

Facebook Comments