DPWH, sisikapin matapos ang mga kontstruksyon ng mga pasilidad sa public hospitals na bahagi ng proyekto ng administrasyong Marcos

Pipilitin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos agad ang pagtatayo ng mga bagong gusali para sa mga pangunahing pampublikong ospital.

Ito’y bilang bahagi ng legacy hospital projects ng administrasyong Marcos.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, sisiguraduhin niya na mabilis at dekalidad na konstruksyon ng mga pasilidad sa Philippine Children’s Medical Center, Philippine Cancer Center, Philippine General Hospital, at National Kidney and Transplant Institute.

Aniya, inaasahang mabubuksan sa Hunyo ang 8 palapag na bagong gusali ng Philippine Children’s Medical Center habang target na makumpleto sa susunod na taon ang kauna-unahang 20 palapag na gusali ng Philippine Cancer Center.

Dagdag pa ni Dizon, sapat na pondo ang inilaan sa mga proyekto upang matapos ang konstruksyon ng mga karagdagang gusali sa mga pangunahing government hospitals sa Metro Manila.

Nabatid na target ng DPWH na matapos ang mga proyekto bago ang taong 2028.

Ilan sa mga pangunahing layunin ng proyekto ay mapabuti pa ang serbisyong medikal, maging maluwag ang kapasidad ng mga ospital at maing mabilis ang paggaling o pagrekober ng mga dinadalang pasyente.

Facebook Comments