Nagpalabas ng kautusan si DPWH Secretary Mark Villar hinggil sa preserbasyon at pangangalaga sa mga National Cultural Heritage ng bansa.
Tugon ito ng kalihim sa mga panawagan at batikos na tutol sa mga proyekto ng kagawaran na nakakaapekto sa mga cultural site.
Sa Department Order no. 12, serye 2019, inatasan ang lahat ng tanggapan ng DPWH sa mga rehiyon at distrito sa buong bansa kasama na rito ang mga building official ng mga Local Government Units (LGU) na nagpapatupad ng mga proyekto na makipag-ugnayan muna sa National Commission for Culture and Arts (NCCA) at National Cultural Agencies (NCA) upang maiwasan ang pagwarak sa mga lugar na deklaradong historical sites.
Babala ng kalihim, lahat ng lalabag sa kautusan ay parurusahan.
Facebook Comments