
Nakahanda na ang karagdagang equipment at manpower ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipapadala sa Manay, Davao Oriental.
Ito ay para magamit sa clearing operations matapos ang malakas na lindol kahapon.
Tutungo rin si DPWH Secretary Vince Dizon sa Davao upang personal na pangunahan ang clearing operations at rapid assessment ng mga infrastructure.
Aalamin din ng opisyal ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente.
Facebook Comments









