DPWH, tutulong sa UP-PGH sa paghahanda sa mga COVID-19 wards

Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na simula sa susunod na linggo magagamit na ang iba pang espasyo ng Philippine General Hospital para sa mga COVID-19 patients.

Ang pagtiyak ay ginawa ng DPWH matapos magpadala ng mga skilled workers na tutulong sa pagkukumpuni sa mga ward sa hospital para magamit ng mga COVID-19 patients.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, lahat ng kailangan sa loob ng ward ay aayusin kabilang ang paglalagay ng mga window fans at iba pa na akma sa mga pasyenteng may COVID cases.


Pliwanag ng kalihim ang mga itinalagang COVID ward  ay malayo sa ibang mga pasyente sa hospital na hindi naman tinamaan ng virus .

Una nang itinalaga ng Department of Health (DOH) ang PGH na isang COVID-19 Referral Center sa National Capital Region.

Nagsagawa na ng Occular Inspection ang mga DPWH Officials at pamunuan ng UP-PGH para sa proyekto.

Facebook Comments