DPWH Usec. Arrey Perez, nagbitiw sa pwesto matapos pangalanan ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umano’y may koneksiyon sa mga contractor

Ito ang inanunsiyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon matapos pangalanan ni Batangas Representative Leandro Leviste si Undersecretary Arrey Perez na may kaugnayan sa contractors.

Si Perez ay isa sa limang handpicked na undersecretary ni Dizon nang italaga siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bagong kalihim noong nakaraang buwan.

Sa pulong balitaan ngayong Huwebes, sinabi ni Dizon na nagbitiw si Perez upang maiwasan ang kontrobersiya sa gitna ng paglilinis ng DPWH sa kanilang hanay.

Pero nilinaw ng kalihim na magpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kahit sa mga nagbitiw na sa pwesto.

Ayon naman kay Dizon, wala silang sisinuhin sa imbestigasyon alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Facebook Comments