Walang inilaan na Budget para sa infrastructure project ang Department of Public Works and Highways para sa Munisipalidad ng Casiguran, Sorsogon.
Ito ang iginiit ng DPWH, Taliwas sa ibinunyag ni House Majority Leader Rolando Andaya na nabigyan ng malaking bahagi sa umano ay P51 billion “Insertions” ang Munisipalidad ng Casiguran, Sorsogon.
Sa dokumento, nitong nakaraang taon, sa mga lalawigan sa Bicol, ang Albay ang may pinakamalakimg alokasyon na nasa P11.2 billion na tawilas sa sinabi ni Andaya na mas pinaboran ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang Lalawigan ng Sorsogon.
Ang Sorsogon ay ikalawa lamang sa nabigyan ng alokasyon na P10.5 billion, Camarines Sur sa P10.2 billion, Masbate ay binigyan ng P4.5 billion, Camarines Norte P3.3 billion, at Catanduanes sa P2.5 billion.
Magugunita na sa ginanap na Question Hour sa Congress, inakusahan ni Andaya si Diokno na pinaburan ang dahil sa personal ties nito kay Mayor Edwin Hamor at kay Sorsogon Vice Gov. Ester Hamor.
Iginiit ni Diokno na mali ang ginamit na basehan ni Andaya at mistula na itong nag ilusyon.