Nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation si DOH Special Adviser for Non-Communicable Diseases Dr. Tony Leachon dahil sa paggamit umano ng kaniyang personal identity para i-promote ng umano’y mga hindi rehistradong mga gamot.
Ani Leachon, malinaw na identity theft ito at paglabag sa Anti-Cyber Crime law.
Nauna rito ay, nagpahayag na rin si Leachon na hindi niya ineendorso ang naturang mga gamot ngunit nababahala ito na baka mayroon pa rin maniwala sa maling endorsement.
Nababahala rin si Leachon dahil sinisiraan ang mga lehitimong gamot na ineendorso ng Food and Drug Administration gaya ng ilang gamot sa diabetes.
Nanawagan naman si Leachon n huwag agad maniwala sa mga gamot na ine-endorso na “too good to be true” at nangangako ng agarang paggaling.
Mas mainam aniya na mag-research din muna at alamin kung rehistrado ba ang mga gamot na ito.