Pinag-iingat ni Partido Reporma senatorial candidate Dr. Minguita Padilla ang publiko laban sa mga pekeng gamot kontra COVID-19 gaya ng Molnupiravir.
Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Dr. Padilla na hindi maaaring magbenta ng Molnupiravir o ano mang uri ng gamot ang isang drug store ng walang reseta mula sa doktor.
Aniya, iminumungkahi lang ang pag-inom ng Molnupiravir sa pasyenteng may COVID-19 kung siya moderate case at kung may iba pang karamdaman gaya ng diabetes o human immunodeficiency virus (HIV).
Giit pa ni Padilla, dapat batid din ng mga tao na hindi basta-basta ang pag-inom nito dahil lahat ng gamot ay may side effect.
Facebook Comments