Dr. Rontgene Solante, binawi ang naunang pahayag na maaari nang tanggalin ang Public Health Emergency sa bansa

Kumambyo si Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante sa nauna nitong pahayag na maaari nang tanggalin ang public health emergency dahil gumaganda naman na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Solante na dahil sa bagong Omicron sub variants na sumusulpot ay dapat munang panatilihin ang public health emergency status.

Ayon kay Dr. Solante, hindi pa napapanahon para tanggalin ang umiiral na public state of emergency sapagkat nakakapagtala ang ilang mga lugar sa bansa ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Aniya, dapat mapanatili ang mababang kaso ng COVID-19 dahil kung patuloy itong tataas ay posibleng mangyari na ibalik sa Alert Level 2 ang status ng Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments