Dr. Teodoro Herbosa Jr., nagbitiw na bilang Executive Vice President ng University of the Philippines System

Nagbitiw na bilang Executive Vice President ng University of the Philippines (UP) System si Dr. Teodoro Herbosa Jr.

Ito’y matapos tanggapin na raw ni UP President Danilo Concepcion ang resignation ni Herbosa na aminadong nanghihinayang sa naging dedikasyon ng nagbitiw na opisyal.

Matatandaan, inulan ng batikos si Herbosa nitong linggo matapos niyang punahin ang mga itinayong community pantry sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.


Nagsilbing Executive Vice President ng UP si Herbosa simula noong 2017 at kasalukuyang siyang special adviser ng National Task Force (NTF) against COVID-19.

Facebook Comments